Ilan pang pamilya ng mga nasawing sundalo sa Marawi siege, tumanggap ng financial assistance mula kay Bro. Eli Soriano

by Radyo La Verdad | December 12, 2017 (Tuesday) | 5215

Tuloy ang buhay para sa mag-asawang Federico at Mercy Savellano sa kabila nang pagkawala ng kanilang anak na si Second Lieutenant John Frederick Savellano.

Isa ang kanilang anak sa mga nagboluntaryo para sagupain ang mga terorista sa Marawi City. Ang grupo din nito ang naka-recover ng nasa P80M na halaga ng salapi at tseke mula sa isa sa mga kuta ng kalaban.

Kabilang ang mag-asawang Savellano sa mga benepisyaryo ng mga nasawing sundalo na taga Luzon. Tumanggap ang bawat pamilya ng P50 libong pisong financial assitance mula kay Bro. Eli Soriano.

Noong nakaraang Dec. 2, personal na iniabot ni Kuya Daniel Razon sa commander ng AFP Western Mindanao Command na si Lt. Gen. Carlito Galvez  Jr. ang tulong para sa first batch ng mga benepisyaryo sa Zamboanga City.

Kabuoang P8.3M ang ipamimigay ni Bro. Eli mula sa sariling niyang kita sa negosyo para sa mga naiwan ng 159 na sundalo at 7 pulis na lumaban sa Marawi City.

Bukod pa ito sa P6M na ibinigay ng UNTV Foundation sa Armed Forces of the Philippines at P2M naman sa Philippine National Police mula sa proceeds ng Songs for Heroes 3 benefit concert.

 

( Rey Pelayo / UNTV Correspondent )

Tags: , ,