QUEZON CITY – Ang pagiging biktima umano ng dayaan sa halalan noong 2010 at 2013 ang nagtulak kay Atty. Glenn Chong kaya’t pinag-aralan nito ang sistema sa automated elections.
Pinangungunahan ngayon ni Chong ang Tanggulang Demokrasya na isang election watchdog na bumubusisi sa naging sistema ng mga nakaraang eleksyon.
Ilang beses ng naging resource person ang dating kinatawan ng Biliran sa Kamara subalit hindi umano siya nagkaroon ng pagkakataon na maihayag ang iba pa nitong punto.
Sa programang Get it Straight with Daniel Razon, iginiit nitong matibay ang kanyang hawak na ebidensya at maging ang kaibigan nitong senador ay kumbinsido rin.
Isa sa tinukoy ni Chong na umano’y anomalya sa automated elections ay ang early transmission ng mga boto.
Base aniya sa mga datos na kanilang nakalap, hindi magkapareho ang boto na nakarating sa transparency server kumpara sa central server ng Comelec.
May padron din umano ang mga bilang ng boto gaya sa mga senador na malaki din ang kaibahan kung ikukumpara sa graph ng tunay na daloy ng boto.
Hindi aniya maisasagawa ang ganitong pandaraya kung hindi magkukuntsabahan ang taga Comelec at smartmatic.
Pero nang magka-usap aniya sila ni dating Comelec Chairman Sixto Brillantes.
Masama umano ang loob ni Chong kay Senator Koko Pimentel dahil hindi umano ito nabigyan ng sapat na panahon para makapagsalita.
Pero umapela ito sa senado na magsagawang muli ng pagdinig at tanungin din ang mga opisyal ng Comelec lalo na ang executive director na siya umanong nagpapatakbo ng halalan.
Umapela din ito sa kaibigan nitong senador na sana ay magsalita narin sa kanyang nalalaman para matuldukan na ang umano’y dayaan sa automated elections.
( Rey Pelayo / UNTV Correspondent )