Ilan pang bahagi ng bansa, isinailalim na rin sa Alert Level Scheme kontra COVID-19

by Radyo La Verdad | November 22, 2021 (Monday) | 855

METRO MANILA- Epektibo ngayong araw (November 22), umiiral na ang Phase 4 ng COVID-19 Alert Level System sa bansa.

Ibig sabihin, nasa ilalim na rin ng estratehiyang ito laban sa pandemiya ang nalalabi pang bahagi ng Pilipinas.

Mula November 22 hanggang 30, 2021, nasa Alert Level 2 ang mga probinsya ng Benguet, Abra, Kalinga, Oriental Mindoro, Puerto Princesa, Marinduque, Romblon, Palawan, Occidental Mindoro, Butuan City, Surigao del Norte, Agusan del sur, Surigao del Sur, Agusan del Norte, Basilan, Cotabato City, Tawi-Tawi, Lanao del Sur at Maguindanao.

Sa ilalim ng Alert Level 2, papayagan ang 50% indoor capacity at 70% outdoor capacity.

Alert level 3 naman ang Apayao, Mountain Province, Ifugao, Dinagat Islands at Sulu.

Maximum 30% indoor capacity naman para sa mga bakunado ang paiiralin sa mga establishment at activities at 50% outdoor venue capacity sa Alert Level 3.

Kasalukuyang nasa ilalim ng Alert Level 2 ang Metro Manila at iba pang areas hanggang katapusan ng Nobyembre.

September 8, 2021 nang i-pilot ang Alert Level System sa Metro Manila.

Simula noon, napalawig na rin ito sa ibang rehiyon ng bansa.

(Rosalie Coz | UNTV News)