Ikatlong round ng National Vaccination Drive ng pamahalaan, palalawigin pa ng 5 araw

by Radyo La Verdad | February 11, 2022 (Friday) | 2973

METRO MANILA – Sa ikatlong pagkakataon muling nagdaos ng Bayanihan Bakunahan o National Vaccination Days ang pamahalaan.

Layon nitong paigtingin at palawakin pa ang COVID-19 vaccination sa buong bansa.

Batay sa orihinal na schedule, February 10-11 lang ang Bayanihan Bakunahan 3.

Ngunit para maabot ang 5 million target na bilang ng mga mababakunahan, minabuti ng pamahalaan na i-extend pa ang bakunahan ng 5 araw.

Kumpara sa naunang nga Bayanihan Bakunahan, mas madali na ngayong makakacess sa vaccination site ang magpapabakuna dahil nagbubukas na ang mga private sector tulad na lamang sa mga botika.

Maging ang light rail manila corporation, nagtalaga na rin ng vaccination sa ilang station.

Mula sa 5 million target, ayon sa Health Secretary Francisco Duque III, malaking bahagi nito ay para sa booster dose ng adult population.

Habang 1.6 million naman ang nakalaan para sa primary series ng pediatric vaccination para sa 5 to 11 years old.

Umaasa ang national task force against COVID-19 na mapapataas ng ikatlong Bayanihan Bakunahan ang booster vaccination rate sa iba pang mga probinsya lalo na sa Visayas at Mindanao

Samantala, ang ilang mga empleyado, sinamantala ang pagkakataon ngayong araw para makapagpabakuna ng booster shot sa mga botika.

Ang iba sa kanila noong nakaraang taon pa naka-due para magpabooster dose.

Pero dahil sa mayroong pasok sa trabaho at malayo ang vaccination site, naantala ang kanilang pagpapa-bakuna

Sa ngayon, patuloy na hinihikayat ng pamahalaan na magpabakuna na laban sa COVID-19, at umaasa na tuluyan nang bababa ang mga kaso ng COVID-19 sa bansa.

Samantala binabalangkas na ng National Task Force ang isang roadmap to new normal, kung saan unti-unti nang manumbalik sa normal ang pamumuhay ng mga tao matapos ang higit 2 taon ng COVID-19 pandemic.

(JP Nuñez | UNTV News)

Tags: ,