METRO MANILA – Dumating sa bansa noong November 28 ang 36 na taong gulang na Returning Overseas Filipino (ROF) na pangatlong kaso ng Omicron variant sa Pilipinas.
Batay sa ulat ng Department of Health (DOH), sumailalim ito sa COVID-19 testing noong December 4 at lumabas sa RT- PCR nito noong December 5 na positibo ito sa COVID-19.
“This 1 case was detected during the most recent run he arrived at Mactan Cebu International Airport from Qatar on November 28 via Qatar Airways with flight number qr 924 and was noted to have had travel history to Egypt” ani DOH Spokesperson, Usec. Maria Rosario Vergeire.
Nanatili ito sa isolation facility hanggang December 18 bago pina-uwi sa kanilang bahay sa Cavite kung saan siya kasalukuyang naka home quarantine.
Nilinaw naman ng DOH na negatibo na ito sa COVID-19 batay sa kaniyang RT- PCR test noong linggo
Asymptomatic ito mula nang dumating sa Pilipinas.
Natukoy naman ang DOH ang close contacts ng ikatlong kaso ng Omicron.
Samantala bineberipika na rin ng DOH ang test result ng iba pang mga kasama nito sa flight.
Patuloy din ang monitoring ng DOH sa mga lumalabas na pag- aaral kaugnay ng Omicron variant of concern
“Evidences are still evolving, we have been receiving reports, evidences posted online lahat ng datos na lumalabas ngayon ay hindi pa peer reviewed, ibig sabihin hindi pa completed evidence” ani DOH Spokesperson, Usec. Maria Rosario Vergeire.
Karamihan ng mga lumalabas na inisyal na pag-aaral, mild ang sintomas ng Omicron variant gaya ng trangkaso, pagtatae at pananakit ng lower back.
Ang mga sintomas na ito bagaman pinag- aaralan pa ay maaaring maging gabay ng publiko na kaagad mag- isolate kapag nakaranas ng mga ito at makipag- ugnayan sa doktor o health workers para sa akmang COVID-19 response.
(Aiko Miguel | UNTV News)
Tags: DOH, Omicron Variant