Ikatlong kaso ng 2019 nCoV- ARD sa bansa, kinumpirma ng DOH

by Erika Endraca | February 6, 2020 (Thursday) | 17721

METRO MANILA – Sa unang test na isinagawa sa pasyente noong January 29 at 30, negatibo ito sa 2019 Novel Coronavirus -Acute Respiratory Disease (2019 nCoV – ARD) base sa resultang nilabas ng Victorian Infectious Diseases Reference Laboratory.

Pero sa pangalawang test na ginawa ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM) noong February 2, lumabas na positibo na ito sa 2019 nCoV.

Pero ang 60 gulang na babaeng Chinese ay nakauwi na sa China noong January 31. Dumating sa Cebu ang Chinese mula sa Wuhan noong January 30 sakay ng Cebu Pacific Flight 5J241.

Nagsimula na rin ang DOH Epidemiology Bureau ng contact tracing kabilang na ang mga nakasama nito sa eroplano at sa hotel kung saan ito tumuloy.

“So the patient was actually negative upon testing on Jan 24 kaya lang after na matapos lahat ng test dito they decided to run all of the old samples that they had and one of her samples was from Jan 23 and earlier sample so apparently ito iyong naging positive. ” ani DOH Spokesman, USEC Eric Domingo.

Samantala, nakontact na ng DOH ang mahigit 200 nakasalamuha ng 2 unang Chinese na nag-positibo sa ARD. 15 sa mga ito ay nakitaan ng sintomas, 14 ang naka- isolate na para sa ma- monitor ang kalagayan at ang 1 ay kailangan pang kumbinsihing madala sa ospital.

Base sa pinakahuling datos ng DOH umabot na sa 133 ang Patients Under Investigation (PUI) sa Pilipinas batay sa ulat ng DOH. Halos kalahati naman sa suspected cases o PUI ay mga Pilipino.

“Iyong iba kasi iyong mga Filipinos natin ngayon most of them are travellers from Hong Kong before the ban and of course the close contacts from the contact tracing.” ani DOH Spokesman, USEC Eric Domingo.

Hindi pa naman nirerekomenda ng DOH na magkaroon ng mga travel ban sa mga bansang may local transmission na gaya ng Thailand, Vietnam at Singapore.

(Aiko Miguel | UNTV News)

Tags: ,