Labing siyam na Senador ang dumalo sa pagbubukas ng sesyon ng Senado ngayong araw.
Ang mga absent ay Senador Serge Osmeña the third, Miriam Defensor Santiago, samantalang sina Senators Juan Ponce Enrile, Bong Revilla at Jinggoy Estrada ay nasa PNP Custodial Center.
Halos napuno ng mga panauhin ang Session Hall dahil imbitado ang ilang dating senador, magulang at asawa ng Senador at Diplomats.
Ipinasa ang mga resolusyon upang ipakita na handa na ang senado na pakinggan ang SONA ni Pangulong Aquino at may korum sila
Tiniyak naman ni Senate President Drilon na ipapasa ang mga panukalang batas para sa pagpapa-angat ng pamumuhay ng mga pilipino at pagpapalawig ng Good Governance
Kabilang dito ang panukalang Bangsamoro Basic Law, Proposed Build-Operate Transfer Law, Acquisition of Right-of-way, Customs and Tariff Modernization Act, Tax Incentives Management and Transparency Act, Department of Information and Communications at PAGASA Modernization Act.
Asahang bubusisiin ng Kongreso ang 2016 Proposed National Budget.
Ipinagmalaki rin ni Drilon ang mga panukalang batas na naipasa ng senado laban sa kurapsyon at mahahalagang panukalang batas na nais ni Pangulong Aquino
Halimbawa rito ang GOCC Governance Act, pag amyenda sa Sandigan Bayan Law, Anti-Money Laundering Law Amendments, Philippine Competetion Act, Cabotage Law Amendments, Sin Tax Reform Law, Expanded Senior Citizens Act, Responsible Parenthood and Reproductive Health Law at iba pa
Ang ilang senador umaasang maipapasa ang mga Priority Bills ng pamahalaan at ipinahayag pag pagsuportakay Pangulong Aquino
Tags: Senate President Drilon