Ikalawang reklamo vs ilang opisyal ng PCSO, ihinain sa Ombudsman ngayong araw

by Radyo La Verdad | February 18, 2016 (Thursday) | 1564

rose_ombudsman
Naghain ng ikalawang complaint ang grupong Citizens Crime Watch sa Office of the Ombudsman kanina laban sa ilang board members ng Philippine Charity Sweepstakes Office o PCSO at Small Town Lottery o STL.

Kaugnay ito ng umano’y hindi pagbabayad ng sampung porsiyento na documentary stamp tax na umabot sa 2.9 billion mula 2006 hanggang 2015 ng PCSO na dapat kinokolekta sana mula sa STL.

Kabilang sa mga inireklamo ng plunder at graft sina general manager ng PCSO na si Atty. Jose Ferdinand Rojas II at board members na sina Atty. Francisco Joaquin II, Betty Nantes, Mabel Mamba, Remeliza Gabuyo at iba pa.

Ayon kay Diego Magpantay, ang head ng Citizens Crime Watch, malaking pera ang nawala sa taumbayan dahil sa hindi pagbabayad ng tamang buwis ng PCSO.

Hindi naman kasama sa inireklamo si PCSO Chairman Ayong Maliksi dahil siya aniya ang nagpaimbestiga sa anomalya sa STL.

Tags: , , ,