Ikalawang petisyon laban sa martial law extension, inihain sa Korte Suprema

by Radyo La Verdad | January 9, 2018 (Tuesday) | 1944

Inihain na kahapon ng mga miyembro ng Makabayan bloc kasama ng ilang human rights advocates ang ikalawang petisyon sa Korte Suprema upang kwestyunin ang pagpapalawig ng isa pang taon ng batas militar sa Mindanao Region.

Sa petisyong inihain ng grupo,  hinihiling nila na maglabas ng temporary restraining order o writ of preliminary injunction ang Supreme Court.

Magkaroon  bukas ng paglatakay kung may sapat na basehan ang extension at maging ang pagsuspinde ng privilege of the writ of habeas corpus. Gayundin, hiniling nila na ipawalang-bisa ng Korte Suprema ang naturang deklarasyon.

Samantala, naghain na rin ng komento ngayong araw si Solicitor General Jose Calida sa Supreme Court kaugnay ng unang petisyon na inihain ng grupo ni Albay Representative Edcel Lagman.

Ayon sa Solgen, may malaking pagkakamali ang mga petitioner, dahil nakaligtaan nilang isama sa kanilang petisyon ang joint resolution ng kongreso sa kanilang alegasyon na may grave of abuse of authority ang kongreso nang aprubahan ang martial law extension.

Ang pagpapalawig rin aniya ng martial law ay kinakailangan dahil nananatili ang banta ng terorismo sa rehiyon.

 

( Nel Maribojoc / UNTV Correspondent )

Tags: , ,