Ikalawang impeachment complaint vs Chief Justice Sereno, inihain at inindorso na sa Kamara

by Radyo La Verdad | September 5, 2017 (Tuesday) | 3016

Labing anim na kongresista ang nag-endorso ng ikalawang impeachment complaint laban sa punong mahistrado ng Korte Suprema. Inihain ito ng grupong Volunteers Against Crime and Corruption o VACC. Culpable violation of the constitution at betrayal of public trust ang batayan ng grupo sa reklamo.

Ayon kay House Secretary General Cesar Pareja, may 10 session days ang office of the house speaker para pag-aralan ang reklamo bago ito tuluyang irefer sa House Committee on Justice para sa pagdinig.

Binigyang-diin ni Pareja na hindi na maaaring pang humabol bilang endorsers ang sinumang kongresista pagkatapos na pormal na naihain ang reklamo.

Magsisimula naman ang 1-year ban rule sa paghahain ng impeachment complaint oras na nairefer na ang reklamo sa kumite.

 

(Grace Casin / UNTV Correspondent)

 

Tags: , ,