Magsisimula na sa Huwebes ang ikalawang bahagi ng usapang pagkapayapaan sa pagitan ng pamahalaan at National Democratic Front of the Philippines o NDFP.
Ayon kay Luis Jalandoni, chairman ng NDFP negotiating panel, sentro ng second round ng peace talks ang socio-economic reforms.
Pag-uusapan rin ang tungkol sa pagbalangkas sa bilateral ceasefire sa pagitan ng dalawang panig.
Samantala, sinabi rin ni Jalandoni na hawak na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang listahan ng mga political prisoners na target mabigyan ng general amnesty.
Ayon kay Luis Jalandoni, National Democratic Front of the Philippines peace panel chairman, isa ito sa mga nakatakdang talakayin sa ikalawang bahagi ng peace talks sa pagitan ng pamahalaan at rebeldeng grupo sa Oslo, Norway na magsisimula ngayong linggo.
Tags: GPH-NDFP peace talks, Ikalawang bahagi, simula na sa Huwebes