Ika-apatnapu’t pitong anibersaryo ng Plaza Miranda bombing, ginunita ngayon araw sa Quiapo, Manila

by Radyo La Verdad | August 21, 2018 (Tuesday) | 6033

Ilang miyembro ng Liberal Party mula sa Quezon, Laguna, Cavite at Manila ang nagsama-sama para gunitain ang ika-apatnapu’t pitong anibersaryo ng Plaza Miranda bombing.

Isa sa mga miyembro nito ang emosyonal na nagbahagi ng naranasan sa nangyari noong Agosto 21, 1971.

Matatandaan na noong 1971, dalawang granada ang sumabog sa Palaza Miranda habang isinasagawa ang proclamation rally ng Liberal Party. Walo ang namatay at mahigit isang daan ang sugatan.

Bago matapos ang programa, nag-alay ng bulaklak ang mga miyembro ng Liberal Party sa Plaza Miranda bilang pag-alaala sa mga nabiktima ng pangbobomba.

Tinapos ang maikling programa sa pag-awit ng “Bayan Ko”.

Tags: , ,