Ika-apat na kaso ng monkeypox  sa Pilipinas, naitala ng DOH

by Radyo La Verdad | August 23, 2022 (Tuesday) | 6805

Kinumpirma ng Department of Health ang ika-apat na kaso ng monkeypox ng Pilipinas. Ang pasyente ay dalawampu’t limang taong gulang na nagpositibo sa virus matapos sumailalim sa rt-pcr test noong August 19. Wala itong travel history sa kahit anomang bansa na nakapagtala ng monkeypox.

Hindi na idenetalye ng DOH kung saan ang lokasyon ng ika-apat na kaso.

Naka-isolate na ito at kasalukuyang nagsasagawa ang mga otoridad ng imbestigasyon kung saan nahawa ang pasyente at kung sino-sino ang mga nakasalamuha ng labing apat na close contact nito.

Sa labing apat na close contact, pito ang naka-quarantine na.
Ang isa ay healthcare na kasalukyang naka-self-monitoring.

Habang ang nalalabi ay beneberipika pa.

Ayon sa kagawaran ang apat na kaso ng monkeypox sa bansa ay walang relasyon sa isa’t isa.

Palala ng DOH ang monkeypox ay naihahawa sa skin-to skin contact.

Iba ito sa covid-19 na isang airborne virus.

Tags: ,