Ika-99 na pasilidad ng PRC, binuksan na sa Novaliches

by Radyo La Verdad | February 10, 2022 (Thursday) | 411

METRO MANILA – Maaari nang gamitin ng 14 na baranggay sa Novaliches, Quezon City ang ika-99 na blood facility ng Philippine Red Cross (PRC) matapos itong buksan nitong nakaraang buwan.

Ilan sa mga barangay na makikinabang sa nasabing pasilidad ay ang:
-North Fairview
-Bagbag
-Gulod
-Sta. Lucia
-Nova Proper
-Capri
-Fairview Proper
-Lagro
-Nagkaisang Nayon
-San Agustin
-Kaligayahan
-Sta. Monica
-San Bartolome
-Pasong Putik

Kayang pagsabayin ng naturang blood facility ang anim na donors sa magkaparehong oras at sa buong araw naman ay kaya nitong tumanggap ng dugo mula sa 30-50 donors.

Sa kasalukuyan, ang PRC ay may 104 na chapters na, at 50% supply ng dugo sa bansa ay dito kinukuha.

Sa mga may concerns patungkol sa dugo, maaaring tumawag sa hotline ng PRC sa 143.

(Marc Aubrey Gaad | La Verdad Correspondent)