Ika-70 anibersaryo ng Philippine Air Force, pangungunahan ni Pangulong Duterte ngayong hapon sa Clark, Pampanga

by Radyo La Verdad | July 4, 2017 (Tuesday) | 2957


Ika-70 anibersaryo ng Philippine Air Force, pangungunahan ni Pangulong Duterte ngayong hapon sa Clark, Pampanga

Inaasahan ang pagdating mamyang hapon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Clark, Pampanga.

Siya ang panauhing pandangal at magbibigay ng mensahe para sa ika-70 anibersaryo ng hukbong himpapawid ng ilipinas ngayong araw.

Kabilang sa mga kapasidad na ipapamalas ng Philippine Air Force bilang bahagi ng kanilang anniversary program ang high speed opener pass ng apat na SF 260 at fly by ng siyam na T-41 at 12 SF 260.

Kabilang din sa highlight ng programa ang presentation ng certificate of complete delivery ng FA-50PH aircraft.

Sa ngayon, 12 na ang FA-50PH lead-in fighter trainer aircraft ng Hukbong Sandatahan ng Pilipinas.

Una nang binanggit ni Pangulong Duterte na prayoridad ng kaniyang administrasyon ang pag-acquire ng panibago at di second hand na equipment para sa militar at pulisya kabilang na ang mga baril, barko at air assets.

Nakipag-usap na rin ang pamahalaan sa mga bansang Russia at China para makabili ng mga modern equipment.

Bago magtungo sa Pampanga, nakatakda ring bumisita si Pangulong Duterte kay Dexter Carlos at sa lamay ng limang miyembro ng kaniyang pamilyang biktima ng massacre kabilang na ang kaniyang mga anak sa San Jose del Monte Bulacan mamayang hapon.

(Rosalie Coz / UNTV News Correspondent)

Tags: , ,