Ika-6 na nuclear test, isinagawa ng North Korea

by Radyo La Verdad | September 4, 2017 (Monday) | 3924

Inihayag ng North Korea sa pamamagitan ng State-run News Agency nito na matagumpay na naisagawa ang ika-anim na nuclear test nito, kung saan isang hydrogen bomb ang kanilang pinasabog noong Linggo.

Ayon pa sa state media, lubhang malakas ang hydrogen bomb na ito na posibleng makapagdulot ng matinding pinsala at maari rin umano itong ikabit sa isang missile.

Kinondena naman ng iba’t-ibang bansa ang hakbang na ito ng Pyongyang kabilang na ang Pilipinas. Ayon kay Department of Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano, sinisira ng bansa ang kapayapaan sa Rehiyon.

Nasa South Korea ngayon si Sec. Cayetano para sa isang official visit. Nakipag-usap na ito kay Philippine Foreign Assistant Secretary for Asia-Pacific Affairs Millicent Cruz-Paredes at Philippine Ambassador to Seoul na si Raul Hernandez kaugnay ng sitwasyon sa Korean Peninsula.

 

 

 

 

Tags: , ,