METRO MANILA – Walang naitalang untoward incident sa Commonwealth Avenue at Batasan Complex sa Ika-5 State Of the Nation Address (SONA) ni Pang. Rodrigo Duterte.
Ayon kay NCRPO Director PMGen. Debold Sinas, tinupad ng mga protesters ang kanilang pangako na magdi- dispersed ng payapa ng alas dose ng tanghali.
Hindi rin aniya nagtangka ang mga protesters na magtungo sa Commonwealth at Batasan gaya ng napag usapan.
“Nag alisan na po sila doon at hindi na po sila pumasok ng commonwealth avenue, we’d like to thanks yung mga partners namin doon … Because they abide with our agreement and they follow kung ano ang napagkasunduan during our small group discussion”ani NCRPO Director PMGen. Debold Sinas.
Samantala, 34 namang violators ng quarantine protocols ang nahuli ng mga pulis sa ibat ibang panig ng Metro Manila. 5 sa mga ito na hinihinalang miyembro ng transport group na Piston na nahuli sa Quezon City, 24 mula Marikina kung saan lulan ang mga ito at nagsisiksikan sa isang sasakyan at lumabag sa physical distancing, 5 naman ang mula sa Caloocan na namimigay ng flyers.
Ang mga ito ay inimbestigahan at nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso.
(Lea Ylagan | UNTV News)
Tags: Peaceful Protest, SONA 2020