Ika-5 anibersaryo ng lindol at tsunami sa Japan, ginugunita ngayong araw

by Radyo La Verdad | March 11, 2016 (Friday) | 5184
File Photo
File Photo

Ginugunita ngayon araw ng Japan ang naganap na 7.8 Great Eastern Earthquake at deadliest tsunami noong March 11, 2011.

Bagamat limang taon na ang nakalilipas pagkatapos ng kalamidad ay hindi pa rin tumitigil ang Japanese Coast Guard sa kanilang search operations sa mga biktima.

Batay sa tala ng National Police Agency, 2561 na indibidwal pa ang unaccounted dahil hindi pa rin natatagpuan ang labi ng mga ito.

Umabot naman sa halos 16,000 ang nasawi sa buong bansa.

200 pang residente sa bayan ng Rikusentaka ang hinahanap pa rin ng otoridad habang sa Fukushima ay hindi pa rin nakakabalik ang may 100,000 displaced residents dahil sa radiation dulot ng nasirang Fukushima Nuclear Power Plants.

Inaasahan na magsasagawa ang iba’t ibang grupo ng mga survivors at kaanak ng mga nasawi ng mga aktibidad bilang pag-alaala sa mga biktima ng trahedya.

(UNTV NEWS)

Tags: ,