Ika-4 na pagbisita ni Pangulong Duterte sa China, Highly successful – Malacañang

by Erika Endraca | April 29, 2019 (Monday) | 5645

(L-R) President Rodrigo Duterte and Chinese President Xi Jinping

Manila, Philippines – Highly successful kung isalarawan ng Malacañang ang ika-4 na pagbisita ni Pangulong Rodrigo Duterte sa China.

19 na business agreements na may tinatayang  12.16 Billion US Dollars na halaga ng investment at 21 thousand job opportunities para sa mga Pilipino ang bunga ng ika-4 na pagbisita ni Pangulong Rodrigo Duterte sa China kamakailan ayon sa Malacañang.

Pahayag ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo, sakop ng mga naturang kasunduan ang sektor ng enerhiya, imprastraktura, turismo, internet connectivity, agrikultura, training ng mga pilipinong mananatili sa China at iba pa.

Dumalo ang delegasyon ng punong ehekutibo sa 2nd Belt and Road forum for International Cooperation at nagkaroon ng Bilateral meeting kina Chinese President Xi Jinping at Chinese Premier Li Keqiang.

Dagdag pa ni secretary Panelo, nagbunga ng one billion RMB grant ang pakikipagpulong ni pangulong Duterte kay chinese president Xi.DSa usapin naman ng tensyon sa pinag-aagawang teritoryo, iginiit ni pangulong duterte kay chinese president xi na dapat mapanatili ang kapayapaan, estabilidad at pag-unlad sa south china sea.

Gayundin ang pangangailangan ng magkabilang panig na magpigil at mag-ingat sa bawat hakbang upang maiwasan ang paglala ng tensyon.

Sa huli, nagbigay ng katiyakan ang duterte administration na ini-aangat ni pangulong Duterte sa panibagong lebel ang ating independent foreign policy sa pamamagitan ng pagpapaigting ng diplomatic relations sa ibang bansa na nakabatay sa pagtataguyod ng seguridad at interes pambansa.

(Rosalie Coz | Untv News)

Tags: , , ,