Ika-32 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution, gugunitain sa Linggo

by Admin | February 23, 2018 (Friday) | 6202

Pebrero 25 1986, nang maganap ang makasaysayang EDSA People Power na naging daan sa pagpapatalsik kay dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Sa Linggo, gugunitain ng bansa ang ika-32 anibersaryo nito na magsisimula ng alas siyete y medya ng umaga sa EDSA People Power Monument.

Magiging guest of honor and speaker si dating Pangulong Fidel Ramos dahil hindi dadalo si Pangulong Rodrigo Duterte.

Isasara ang ilang bahagi ng north bound ng EDSA para bigyang daang ang re-enacment ng makasaysayang salubungan.

Ang selebrasyon ay pangungunahan ng National Historical Commission.

“Huwag natin kalimutan ang mga sakripisyo ng ating mga kababayan 32 years ago nagkaisa po ang Pilipino,” sabi ni National Historical Commission Director Vic Badoy.

Ang mga raliyista ngayon palang ay sisimulan na ang kanilang mga pagkilos bilang pagkundina sa mga adyenda ni Pangulo Duterte.

Hindi naman pipiligan ang iba’t ibang grupo na makakapagsagawa ng mapayapang kilos protesta ayon sa tagapagsalita ng Pangulo.

“As far as the President is concerned, people have the right to resort to peaceful assembly. Hindi po yan sinusupil so we welcome any protests on that day,” sabi ni Presidential spokesperson Secretary Harry Roque.

Samantala, magpapakalat naman ng 1,850 tauhan ang Philippine National Police para sa seguridad ng mga dadalo sa People Power Monument at sa EDSA Shrine.

“The National Capital Region Police Office will also provide security coverage, traffic management, emergency preparedness and response and other public safety services in all place of engagement,” sabi ni PCSupt. John Bulalacao.

Ang Quezon City Police District naman ay makikipagpulong sa mga raliyista simula sa Sabado para masigurong magiging mapayapa ang magaganap na mga kilos protesta.

 

(Grace Casin/UNTV Correspondent)

Tags: , ,