Ika-2 bahagi ng report ng DOJ hinggil sa imbestigasyon sa Mamasapano incident, inaasahang ilalabas bukas

by Radyo La Verdad | October 7, 2015 (Wednesday) | 2666

DOJ-LOGO
Nakatakdang isapubliko bukas ng Department of Justice ang ikalawang bahagi ng report nito ukol sa imbestigasyon sa January 25 Mamasapano incident.

Kabilang sa inaasahang nilalaman ng DOJ probe ay ang lawak ng partisipasyon ng Amerika sa Oplan: Exodus; pagkasawi ng siyam na SAF troopers mula sa 84th seaborne company na lumusob sa kubo ng teroristang si Marwan;

At kung mayroong criminal liability si P02 Christopher Lalan, isa sa mga survivor sa engkwentro, sa pagkasawi ng ilang sibilyan at myembro ng M-I-L-F.

A-bente dos ng Setyembre nang magsampa ang NBI ng kasong complex crime of direct assault with murder and theft sa siyamnapung individual na sangkot sa Mamasapano encounter.

Tags: , , ,

DOJ at PNP, kapwa tutol sa panawagang humiwalay ang Mindanao sa Pilipinas

by Radyo La Verdad | February 6, 2024 (Tuesday) | 52076

METRO MANILA – Kapwa tinutulan ng Department of Justice (DOJ) at Philippine National Police (PNP) ang mga panawagang secession o paghiwalay ng Mindanao sa Pilipinas.

Ayon sa DOJ, labag sa prinsipyo ng democratic society ang secession alinsunod sa Article 2, Section 2 ng konstitusyon.

Bilang principal law agency ng ehekutibo, nananatili umanong committed ang DOJ sa pangangalaga sa soberanya ng Pilipinas.

Ayon naman kay PNP Chief PGen. Benjamin Acorda Jr., hindi maaaring mabalewala ang maraming buhay at dugo na isinakripisyo para sa kapayapaan ng Mindanao at posibleng magresulta umano ng gulo ang paghihiwalay dito.

Tags: , ,

DOJ, aminado na hindi magpapakilala ang ICC investigators kapag pumasok na sa PH

by Radyo La Verdad | January 8, 2024 (Monday) | 36270

METRO MANILA – Aminado ang Department of Justice (DOJ) na mahirap para sa Bureau of Immigration (BI) na matukoy ang pagkakakilanlan ng mga imbestigador mula sa International Criminal Court (ICC) na papasok sa Pilipinas

Ayon kay DOJ Spokesperson Assistant Secretary Mico Clavano, hindi basta mabeberipika o makukumpirma ng immigration ang pagkakakilanlan ng mga ito.

Gayunman, naniniwala ng DOJ na wala pang presensya ang ICC investigators dito sa Pilipinas, taliwas sa mga kumakalat na balita.

Nauna nang sinabi ni Dating Presidential Spokesperson Harry Roque na kumpirmadong nakapasok na ng Pilipinas ang mga kinatawan ng ICC at nagsasagawa na ng imbestigasyon.

Kaugnay nito, nais sana ng DOJ na makausap si Attorney Roque, upang maibahagi sa kanila ang mga impormasyong nalalaman nito hinggil sa ICC.

Tags: , ,

Pansamantalang paglaya ni De Lima, ikinatuwa ng mga kinatawan ng ibang bansa

by Radyo La Verdad | November 14, 2023 (Tuesday) | 34266

METRO MANILA – Ikinatuwa ng mga kinatawan ng International Community ang pansamantalang paglaya ni Former Senator Leila De Lima, matapos ang halos 7 taong pagkakakulong.

Sa isang tweet sinabi ni United States Ambassador to the Philippines MaryKay Carlson, na isang welcome news ang paglaya ng naturang senador.

Aniya, maresolba na sana ang lahat ng mga kasong kinakaharap ni De Lima.

Ayon naman kay European Union Ambassador Luc Veron, ang paglaya ni De Lima ay isang mahalagang hakbang sa pananaig ng batas sa Pilipinas.

Pinuri rin ng embahada ng Canada at the Netherlands ang hakbang at sinabing nawa’y makamit ng dating senadora ang hustisya na nararapat sa kaniya.

Tags: , ,

More News