ika-17 People’s Day, matagumpay na naidaos sa Brgy. Capri, Novaliches, Quezon City

by dennis | May 15, 2015 (Friday) | 2658
Photo credit: Photoville International
Photo credit: Photoville International

Bukod sa atensyong medikal, optikal at dental, nagkaloob din ng libreng legal consultation at gupit para sa mga bata ang ika-17 People’s Day ng UNTV Action Center na isinagawa kahapon, araw ng Biyernes, sa Brgy. Capri Covered Court, Novaliches, Quezon City.

“Salamat  kasi dumalaw kayo dito sa amin, malaking bagay itong ginagawa niyong medical mission lalo na sa katulad ko na walang pambili ng gamot. Para sa aming mahihirap, blessing ng Panginoon itong ginagawa nyo,” pahayag ni Maria Theresa Royo, 49 years old, isa sa mga natulungang residente.

Nagpasalamat din ang pamunuan ng barangay Capri sa isinagawang first aid and disaster preparedness seminar ang UNTV News and Rescue sa mga opisyal nito.

Sa tulong at awa ng Dios, kabuuang 1,405 ang naipagkaloob na serbisyo ng isinagawang aktibidad.

 

Tally of Rendered Services:

-Medical Adult Consultation 201

-Pediatric Consultation 259

-Dental Extraction 53

-Optical Consultation with free reading glasses 230

-Chest x-ray 10

-RBS 14

-ECG 4

-Legal Consultation 9

-Haircut 40

-Recipients of Medicines 585

 

TOTAL – 1,405