Ika-12 Oplan Galugad ng Bureau of Corrections isinagawa sa New Bilibid Prison

by Radyo La Verdad | January 13, 2016 (Wednesday) | 3007

BENEDICT_OPLAN-GALUGAD
Appliances, electronic gadgets, drug paraphernalia, baril at two-way radio na nakasasagap ng frequency ng mga jail guard.

Ilang lamang ito sa mga nakumpiska ng Bureau of Corrections sa loob ng mga selda sa maximum security compound ng New Bilibid Prison sa isinagawang ikalabing dalawang Oplan Galugad ng ahensya.

Maraming mga simple at mararangyang kubol ang giniba.

Ayon kay Supt. Richard Schwarzkopf, panibagong kaso naman ang kakaharapin ng preso na nagmamayari ng mga baril na narecover ng BuCor sa loob ng selda.

Tiniyak naman ni Schwarzkopf na hindi rin makaliligtas sa pananagutan ang mga mayor ng grupong nahulihan ng baril at mga drug paraphernalia dahil nasa ilalim ito ng kanilang pananagutan.

Ayon naman sa isang inmate, nabili niya ang baril sa loob din mismo ng bilibid at ginagamit niyang pamproteksyon sa sarili.

Samantala isa rin sa iimbestigashan ng BuCor ang impormasyong inilapit ng isang preso na umano’y isang empleyado ng Department of Justice ang lumapit sa kanyang pamilya upang asikasuhin ang kanyang mabilis na paglaya kapalit ang malaking halaga.

2014 umano ng magbigay sila ng pera subalit hanggang ngayon ay walang resulta, kaya naiinip nasiyang makalaya.

Magpapatuloy ang oplan galugad hanggang sa maubos ang mga kontrabando sa loob ng bilibid.

Tags: , ,