IBP, nananawagan sa lahat ng miyembro nito na manindigan sa karapatang pantao

by Radyo La Verdad | November 21, 2017 (Tuesday) | 2319

Mahigit anim na pung libong mga abogado sa iba’t-ibang panig ng bansa ang magtitipon-tipon ngayong linggo para sa gaganaping Human Rights Summit sa November 23 at 24. Sa naturang pagtitipon, ipapanawagan ng Integrated Bar of the Philippines o IBP sa lahat ng miyembro nito na manindigan sa pagtatanggol ng karapatang pantao.

Nanawagan rin ang IBP sa mga prosecutors na pumanig sa pagtatanggol ng karapatang pantao. Ikinatuwa naman ng Commission on Human Rights ang panawagan ng IBP. Subalit malaking hamon anila para sa mga abogado ang hawakan ang kaso na may kinalaman sa EJK dahil ayaw ipasilip ng PNP ang mga case folder.

Ayon naman sa ibang law group, hindi magiging sagabal para sa kanila kahit ayaw ipasilip ng PNP ang mga case folders. Hinihimok rin ng IBP ang lahat ng abogado na magbigay ng libreng serbisyo para sa mga biktima ng umanoy extra judicial killings.

Sa kasalukuyan ay may libreng legal service na ibinibigay ang IBP para sa mga biktima ng human rights violations sa pamamagitan ng documentation, case building at iba pa.

 

( Mon Jocson / UNTV Correspondent )

Tags: , ,