Manila, Philippines – Naghain ng petisyon sa korte suprema ang Integrated Bar of the Philippines (IBP) kasama ang Free Legal Assistance Group o FLAG upang proteksyonan ang kapaligiran sa West Philippine Sea.
Hinihiling sa Writ of Kalikasan Petition na obligahin ng supreme court ang pamahalaan na ipatupad ang environmental laws ng bansa sa ayungin shoal at panganiban reef na bahagi ng Spratly islands at sa Panatag o Scarborough shoal.
Katwiran ng IBP at FLAG, bahagi ng exclusive economic zone ng Pilipinas ang naturang maritime features kaya’t sakop ito ng soberanya ng bansa.
Ginamit sa petisyon ang mga ebidensiyang nagpanalo sa kaso ng Pilipinas laban sa China sa permanent court of arbitration tungkol sa pagtatayo ng artificial islands ng China sa nabanggit na mga lugar.
Samantala, respondent sa petisyon sina Environment Secretary Roy Cimatu, Agriculture Secretary Manny Piñol, at Admiral Elson Hermogino ng Philippine Coast Guard.
Tags: flag law, IBP, West Philippine Sea