Nagsimulang magtanim ng iba’t-ibang high value vegetables at fruit crops gaya ng lettuce, cauliflower at maging strawberries ang mga magsasaka sa Leyte noong 2011. Ito ay bilang alternatibong kabuhayan liban sa coconut industry sa lalawigan.
Sa katunayan, sinanay pa ang mga ito sa ilalim ng pangangasiwa ng Office of the Provincial Agriculturist.
Mula 2011 hanggang sa kasalukuyan, mayroon ng 210 Vegetable and Farmers Association ang na-established ang lalawigan.
Taong 2017 naman nang nag-umpisa ang provincial government sa pagbibigay parangal sa mga nag-excell sa larangan ng pagtatanim.
Para sa taong ito, nakuha ng Villa Aurora, Burauen, Leyte ang 1st place na may premyong 250,000, pumapangalawa ang Jaro Leyte na may 150,000, habang pangatlo naman ang Hipusngo, Baybay, Leyte na may 100,000 piso na premyo.
Samantala, positibo naman si Leyte Governor Dominic Petilla na sa pamamagitan ng livelihood program na ito ay mababawasan ang poverty incidence ng lalawigan.
Naniniwala ang gobernador na kapag sapat ang kita ng pamilya ay mas mabibigyan ng pagkakataon ang mga anak ng magsasaka na makatapos sa pag-aaral.
Samantala, nagpasalamat naman ang Gacak Farmers Association sa provincial government sa naibigay na tulong sa kanila.
( Jenelyn Gaquit-Valles )
Tags: coconut industry, LEYTE, Vegetable at Farmers Association