Iba’t-ibang serbisyo ng pamahalaan, ilalapit sa publiko sa pamamagitan ng Serbisyo Caravan

by Radyo La Verdad | August 14, 2017 (Monday) | 4319

Naka-avail ng iba’t-ibang serbisyo publiko ang marami nating mga kababayan sa Quezon City sa paglulunsad ng ‘Serbisyo Caravan’ ng iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan noong Sabado sa Commonwealth Elementary School.

Ayon sa Department of Social Welfare and Development na nanguna sa programa, ang proyektong ito ay bilang pagtupad sa  mandato ni Pangulong Rodrigo Duterte na matiyak na naipagkakaloob sa publiko ang mga serbisyong dapat na maibigay sa mga ito.

Kabilang sa mga nakiisa sa Serbisyo Caravan ang mga ahensyang nasa ilalim ng Human Development and Poverty Reduction Center gaya ng Department of Health na nagsagawa ng medical mission.

Department of Education ang nag-setup ng kanilang help desk para sa K to 12 program. CHED ang nagpaliwanag tungkol sa free college education program. Hinikayat naman ng TESDA ang mga kabataan na samantalahin ang alok nilang libreng skills training.

Target ng Serbisyo Caravan organizers na makapagsagawa din ng mga katulad nitong event sa iba pang bahagi ng bansa sa lalong madaling panahon.

 

(Aiko Miguel / UNTV Correspondent)

 

Tags: , ,