Iba’t-ibang sector sa Boracay Island, magkahalo ang reaksyon sa planong isailalim ang isla sa land reform program

by Radyo La Verdad | June 1, 2018 (Friday) | 4045

Iba-iba ang opinyon ng mga taga Boracay hinggil sa napipintong pagdedekla ni Pangulong Rodrigo Duterte na gawing land reform area ang buong isla ng Boracay.

Para sa bangkerong si Joeward Ascana, baka lalo lang gumulo sa isla kapag ginawa ito.

Pabor naman ang fish vendor na si Seylord Isada sa planong ito ngunit nangangamba siya na baka ibigay lang sa ibang tao na hindi naman tumandok o native sa isla ang mga lupa doon.

Pakiusap naman ni Aling Maria, isa sa mga indigenous people na ati sa isla, na sana ay tuluyan nang ipagkaloob sa kaniya ang kapirasong lupang tinatayuan ng kanilang Ati Village.

Samantala, ayon naman kay Ms. Nenette Graf, ang presidente ng Boracay Foundation Incorporated na binubuo ng mga may-ari ng mga establisyemento sa isla, nais muna nilang malaman kung ano ang kabuuang plano ni Pangulong Duterte sa pagdedeklara sa Boracay bilang isang land reform area bago sila magbigay ng kanilang pahayag.

 

( Vincent Arboleda / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,