Iba’t ibang political party, pinag-aaralan na ang plataporma ni Sen.Grace Poe

by Radyo La Verdad | September 17, 2015 (Thursday) | 1544

grace_Evardone
Ilan lamang ito sa mga pangakong binitawan ni Sen.Grace Poe sa kanyang pagtakbo sa pinakamataas na posisyon sa bansa sa susunod na taon.

Subalit para sa mga stalwart ng ibat ibang political party narinig na nila ang mga ito.

Ayon kay National Unity Party Vice President Cavite Rep.Elpidio Barzaga paulit ulit lang halos ang mga pangako ng mga politiko tuwing eleksyon.

At ang lahat ng ito ay walang kahulugan kung hindi mararamdaman ng mga pinangakuan.

Para naman kay Liberal Party Stalwart Eastern Samar Rep.Ben Evardone “copy paste” na ang mga ito sa mga programang ginawa ng Administrasyong Aquino.

Aminado naman si House Speaker Feliciano Belmonte Jr. na mabigat na kandidato si Poe sa pagkapangulo.

Ngunit kung sya ang tatanuning mas pipiliin parin niya ang kandidatong subok na .

Habang tiniyak naman ng isa sa mga miyembro ng Nationalist Peoples Coalition na hindi mahahati ang kanilang partido at mabubuo ang kanilang mga boto.

Ang NPC ang pangalawa sa mga political party sa bansa na may pinakamaraming elected congressmen.(Grace Casin/UNTV Correspondent)

Tags: