Ang pinangangamabahang pagtama ng 7.2 magnitude na lindol o ang The Big One, ang pagsabog ng Bulkang Mayon, pananalasa ng malalakas na bagyo at ang banta sa seguridad. Ilan lamang ito sa mga pinangangambahang pangyayari na dapat ay pinaghahandaan ng bawat Pilipino.
Dahil dito, muling bubukasan ng Armscor Global Defense Incorporation ang Tactical Survival and Arms Expo ngayong taon, na may temang Defense, Security and Survival Show for Sustainable Living.
Tampok sa naturang expo ang iba’t-ibang uri ng mga armas, gaya ng matatas na kalibre ng mga baril, survival gears, at prepper stuff na maaring magamit sa tuwing may kalamidad, emergency cases at bilang self-defense.
Magkakaroon rin ng iba’t-ibang mga seminar kung saan ituturo ang iba’t-ibang survival at rescue techniques. Mayroon ding self-defense seminar para sa mga kababaihan na isasagawa sa naturang expo. Gaganapin ang tactical survival and arms expo simula February 22 hanggang 25 sa SMX Convention sa Bonifacio Global City sa Taguig.
Para sa mga nagnanais na lumahok, libre ang entrance at maaring magparehistro online o sa mismong sa venue. Bukas ang naturang expo para sa sinomang nagnanais na lumahok bata man o matanda.
( Joan Nano / UNTV Correspondent )