Iba’t-ibang luto ng sisig, tampok sa Sisig Fiesta sa Angeles City, Pampanga

by Radyo La Verdad | May 3, 2018 (Thursday) | 3904

Creativity at galing sa pagluluto ng mga kakaibang sisig dishes ang ipinakita ng mga kalahok sa taunang cook off challenge sa Angeles City, Pampanga noong Martes, kaugnay ng pagdiriwang ng Sisig Fiesta.

Anim na mga chef ang nagpasiklaban sa paligsahan. Ipinakita ng mga ito ang bagong estilo sa pagluluto ng sisig ng hindi nawawala ang tradisyonal na lasa na isa sa mga pinakapaboritong putahe ng mga Kapampangan.

Mayroong gumawa ng sisig with fusion, Asian style at French style, deep fried pork belly sisig ng California, red franzia wine at melted mozarella cheese.

Pork knuckle in berry balsamic reduction with mustard pumpkin mash, sisig bonbon in chili oil at beef short ribs sisig bibimbap with calamansi and soy sauce reduction.

Humanga naman ang ilang hurado sa talento ng mga chef na kalahok sa patimpalak na anila’y maaaring maipagmalaki ng mga Pilipino kahit saan makarating.

 

( Leslie Huidem / UNTV Correspondent )

 

Tags: ,