Iba’t-ibang klase ng mga paputok sa Rizal, nakumpiska ng mga otoridad dahil walang permit sa pagbebenta

by Radyo La Verdad | January 1, 2017 (Sunday) | 1438

randy_walang-permit
Iwas paputok at ligtas na pagsalubong ng bagong taon ang kampanya ng Rizal Philippine national Police kung kaya’t kasalukuyan ang panghuhuli nila sa mga nagbebenta ng mga paputok na walang permit dito sa probinsya ng Rizal.

Simula pa kahapon hanggang ngayong gabi ay patuloy ang inspeksyon ng mga pulis sa lahat ng kanilang areas of concern sa mga partikular na lugar ng Binangonan, Taytay, Cainta at Antipolo City.

Bunsod ng paglabag sa Act Regulating the Sale Manufacture o RA 7183. nakumpiska ang mga paputok gaya ng ipinagbabawal na piccolo,whistle bomb, rolling fireworks, super lolo, sinturon ni judas at iba pa.

Ayon sa ulat ng Rizal Provincial Information Officer may anim ng naitala na fire cracker casualties sa bayan ng Antipolo, Binangonan, Taytay at San Mateo.

Sa kasalukuyan ay patuloy pa rin ang pagbabantay ng Rizal Philippine National Police sa nasabing lalawigan.

(Randy Forestero / UNTV Correspondent)

Tags: ,