Iba’t-ibang karunungan at kasanayan sa pagsagip ng buhay, tampok sa ikatlong UNTV Rescue Summit

by Radyo La Verdad | July 11, 2018 (Wednesday) | 3543

Pinasimulan ang programa kaninang umaga sa pamamagitan ng isang parade at pagbibigay ng mensahe ng ilang matataas na opisyal ng pamahalaan kabilang na si PNP Chief Oscar Albayalde at DILG Undersecretary for Public Safety Nestor Quinsay.

Matapos nito, agad na pinasimulan ang finals ng rescue olympics kalahok ang anim na rescue group mula sa iba’t-ibang panig ng bansa.

Kumpara kahapon, mas mahirap at mas challenging ang mga pagsubok ngayon. Nakadisenyo ang mga obstacle upang mapaghandaan ang isang malakas na lindol na maaaring tumama sa Metro Manila.

Sa 3rd UNTV Rescue Summit, tampok ang iba’t-ibang mga exhibit at seminar pero isa sa pinilahan dito ay ang seminar  sa basic first aid training.

Ayon sa mga pumila, handa silang maghintay dahil mahalaga naman ang kanilang matututunan.

Kabilang sa exhibit ang UNTV Drone, UNTV Dive Team at iba’t-ibang makabagong equipment sa pagrescue na gamit ng BFP, AFP at iba pang ahensya ng pamahalaan.

Samantala, aminado ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na hindi pa sapat ang paghahanda ng Metro Manila sakaling tumama ang malakas na lindol.

Maging ang pambansang pulisya nais mag-upgrade ng kanilang mga skills.

Naniniwala naman ang DILG na malaking bagay ang ginagawa ng UNTV upang maihanda ang publiko sa pagtama ng isang kalamidad.

Inihahanda naman ngayon ng DILG ang pagtatakda ng isang standard sa sistema ng pagsagip ng buhay sa Pilipinas at katulong ang UNTV sa naturang proyekto.

Sa buong Pilipinas, ang UNTV lamang ang natatanging istasyon na nagsusulong ng adbokasiya na Tulong Muna Bago Balita (TMBB).

Si Mr.Public Service Kuya Daniel Razon ang nagpasimula ng nasabing news and rescue sa bansa.

 

( Mon Jocson / UNTV Correspondent )

Tags: , ,