Iba’t ibang election watchdog, hinikayat ng Comelec na itaas ang integridad ng darating na halalan

by Radyo La Verdad | January 5, 2016 (Tuesday) | 1232

GUS-LAGMAN
Para sa grupong Legal Network for Truthful Elections o LENTE hindi maituturing na kapani-paniwalaang 2013 elections dahil sa kakulangan sa transparency, inclusiveness at accountability.

Apela ng iba’t ibang election watchdog sa Comelec, itaas ang integridad ng darating na halalan.

Isang paraan ay ang pagpapagana sa security features ng mga vote counting machine na hindi ginamit sa mga nagdaang halalan.

Isa na rito ang voter verifiable paper audit trail o ang pag-iimprenta ng resibo ng mga makina upang makita ng botante kung binilang ng tama ang boto ng isang botante.

Nais din ng isang dating opisyal ng Comelec na gawing mas katiwa tiwala ang source code review at hindi limitahan ang maaring gawin ng mga reviewer

Ayon sa mga ito mas magiging katiwa tiwala ang darating na halalan kung gagamitin ang mga safeguard na ito.

Sa kabila nito,sinabi ni dating Comelec Commissioner Gus Lagman, na ang problema sa election system ay hindi dapat maging dahilan upang i-boycott ang paparating na halalan.

(Victor Cosare/UNTV News)

Tags: ,