Iba’t-ibang Anti-Duterte groups, nagtipon sa kahabaan ng Mendiola bago tumulak sa Luneta para sa malawakang protesta

by Radyo La Verdad | September 21, 2017 (Thursday) | 6137

Sinamantala ng ilang miyembro ng iba’t-ibang grupo na kasama sa anti-Duterte groups ang deklarasyon na walang pasok ngayon o National day of protest ni Pangulong Rodgiro Duterte upang makiisa sa kanilang kilos protesta ngayong araw.

Mula sa iba’t-ibang panig sa Maynila, nagkaisa ang  miyembro ng iba’t-ibang Anti-duterte groups sa harap ng Mendiola Peace Arch bago tumulak dito sa Luneta.

Kabilang sa mga ito ay ang mga grupo ng Kabataan Partylist, Bagong Alyansang Makabayan-bayan, Kilusang Mayo Uno at ilang evacuees mula sa Marawi City. Bukod sa mga bitbit na mga plakards, dala-dala rin ng grupong grupong Sandugo ang effigy na tinawag nilang “Rody’s cube”. Kinopya nila ang ideya sa “rubiks cube” kung saan makikita dito ang apat na mukha na anila’y may pagkakahalintulad. Ito ay ang mukha ni Pangulong Duterte, dating Pangulong Ferdinand Marcos, Adolf Hitler at isang mukha ng tuta. Pare-parehas umanong mga diktador at tuta ng pamahalaang Amerika.

Sinunog nila ito bago tumulak papuntang Luneta. Pagdating sa Luneta , nadagdagan pa ang mga militanteng grupo mula naman sa Freedom From Debt Coalition, Metro Manila Vendors Association, Partido Lakas Masa, Sanlakas, Piston, Idefend for Human Righst and Dignity, alyansa ng maralita sa QC at Piston.

Panawagan ng mga ito na itigil ang anti-drug war campaign ng Duterte administration , jeepney modernization program, oil price hike, umano’y extra judicail kiliings at ang pagdedeklara ng martial law sa Mindanao.

Samantala, pumunta kaninang tanghali sa Mendiola si PNP Chief Ronald Bato Dela Rosa. Tiniyak ng PNP Chief na patas ang kanilang magiging pagtrato para sa seguridad at kaayusan sa mga anti-Duterte protesters at mga taga suporta ng administrasyong Duterte.

 

( Aiko Miguel / UNTV Correspondent )

Tags: , ,