Ang Zamboanga city ang kadalasang ginawang exit point ng maraming human trafficker mula sa iba’t ibang lugar sa bansa partikular na ang mga nagmumula sa Malaysia.
Umaabot sa 1500 ang naitala ng Regional Inter-Agency Council Against Trafficking in Persons o RIACAT na biktima ng human trafficking nitong mga nagdaang taon sa Zamboanga Peninsula at bahagya itong tumaas nitong 2015 na umabot sa 1800.
Ang Zamboanga city rin ang may tala ng kauna-unahang human trafficking conviction nationwide noong 2005.
Dahil dito sa naalapit na pagdiriwang ng International day against trafficking in persons o human trafficking sa December twelve iba’t-ibang aktibidad ang isasagawa sa Zamboanga city.
Pangungunahan ito ng RIACAT katuwang ang Regional Anti-Trafficking Task Force, sea-based anti-trafficking task force na kapwa binuo ng DOJ.
Kasama rin dito ang AFP, PNP, Philippine Coastguard, Philippine Ports Authority, DFA, CAAP, Bureau of Immigration at marami pang non-government organizations.
Kabilang sa mga nakahanay na aktibidad ay pagsasagawa ng community advocacy kung saan makaroon ng seminar hinggil sa human trafficking sa tatlong barangay ng recodo, baliwasan at mampang na magsimula ngayong araw hanggang sa Huwebes.
Magkaroon rin poster making contest at grand motorcade sa mismong araw ng pagdiriwang.
Layunin nito na maging tuloy-tuloy ang inisyatibo sa pagsugpo at paglaban sa human trafficking at magkaroon ng sapat na kaalaman ang publiko lalo na sa mga liblib na lugar na kadalasang pinapasok ng mga human traffickers.
(Dante Amento/UNTV Correspondent)
Tags: Iba’t ibang aktibidad, International Day Against Trafficking, Zamboanga city