Iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan sa Zamboanga city, muling magsagawa ng joint meeting mamayang hapon hinggil pa rin sa el niňo phenomenon

by Radyo La Verdad | September 15, 2015 (Tuesday) | 2027

DANTE_JOINT-MTG
Isang joint meeting ang nakatakdang muling isagawa mamayang hapon sa pangunguna ng City Disaster Risk Reduction and Management Office o CDRRMO kasama ang iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan dito sa Zamboanga city.

Inaasahan sa mga dadalo ang mga kinatawan mula sa Department of Agriculture, Water district, PAGASA, ZAMCELCO, DILG at iba upang pag-usapan ang mga hakbang o paghahanda sa posibleng epekto ng el nino sa lugar.

Matandaang noong nakaraang linggo ay una nang nagsawa ng pag-uusap ang ibat-ibang sektor ngunit hindi pa naisapinal ang bawat panukala at mga hakbang na gagawin.

Ayon kay CDRRMO Chief Elmeir Apolinario, pangunahin sa kanilang pag-uusapang mamayang hapon ay ang kakailanganing budget, pagconserve sa water resources, alternative crops na maaaring itanim ng mga magsasaka oras na lumama ang tag-init at maraming pang iba.

Inaasahan rin na magusumite ng kanilang pinal na mga panukala ang ibat-ibang sektor at ito ay mapag-usapan at maprubahan.

Pag-uusapan rin kung kakailanganin na ang agarang pagdedeklara ng state of calamity sa lugar para mas lalong mapagtuonan ng pansin ang mga dapat gawin at ma-minize ang epekto nito sa apektadong sektor.

Samantala, tiniyak naman ni apolinario, na may sapat na pondong magamit para sa posibleng pananalasa ng masidhing init sa lugar.

Una ng nagbabala ang pagasa na dapat seryosohin na ng publiko hindi lamang ng mga concerned sectors ang paghahanda sa el nino upang hindi masyadong maramdaman ang epekto nito.(Dante Amento/UNTV Correspondent)

Tags: ,