Base sa pagsusuri ng DOH, 10 unggoy sa isang monkey conditioning facility sa bansa ang nagpositibo sa Ebola Reston Virus o ERV.
Ang isa rito ay patay na.
Ayon sa DOH, natuklasan ang virus noong Agosto dahil sa sunod-sunod na pagkamatay ng ilang unggoy na nasa conditioning facility.
Hindi nanasuri ang mga namatay na unggoy kaya hindi masabi kung ERV ang ikinamatay ng mga ito.
Gayunpaman, bago na namatay ang mga unggoy ay kinakitahan ng sintomas ng Ebola Reston Virus
Ayon sa DOH, na-trace ang ERV sa dalawa pang pasilidad sa bansa kung saan libo-libo ang inaalagaang unggoy.
Ngayon ay sinusuri na rin ng ahensya ang iba pang unggoy sa dalawang nasabing pasilidad.
Tiniyak din ng ahensya na negatibo sa Ebola Virus ang mga handler ng mga unggoy na nagpositibo sa ERV.
Muli ring nanawagan ang DOH sa publiko na huwag magpanic, dahil hindi naililipat sa tao ang ERV.
Sa ngayon ay minomonitor na ng DA ang mga lugar na nakapaligid sa mga pasilidad na kinakitahan ng ERV at maging sa iba pang lugar sa bansa upang matukoy kung may iba pang hayop tulad ng panikili bansa unggoyang positibo sa reston virus.
Una ng nagkaroon ng kaso ng ebola reston sa Pilipinas noong 1997 at 2008.
Nabatid na nagmula ito sa mga paniki kaya panawagan ng mga kinauukulan sa publiko, huwag nang guluhin ang mga paniki sa kanilang tirahan.
Isa ang ERV sa 5 limang strain ng ebola virus at tanging angerv lamang ang hindi nakamamatay sa tao.
Nadiskubre ito noong 1989 sa unggoy sa isang facility sa Estados Unidos.
Napag-alaman na ang nasabing unggoy ay galing sa Pilipinas.
Balak naman ng DOH na pag-aralan ang mga unggoy na nakaligtas sa ebola at kung mapapagaling pa ang unggoy na nagkasakit ng ebola. ( Darlene Basingan/ UNTV News)
Tags: DOH, Ebola Reston Virus