Inilunsad ngayon ng Department of Education ang Oplan balik eskwela 2015 na may temang kaligtasan, kalinisan, kahandaan.
Ang oplan balik eskwela ay ang taunang programa ng DepEd na naglalayong matugunan ang iba’t-ibang katanungan o mga problema na maaring maranasan ng mga magulang at estudyante sa pagsisimula ng klase.
Sakaling may mga katanungan, sumbong o reklamo tulad ng enrollment, school contributions, transferees,mga ginagawang paghahanda sa mga eskwelahan, price monitoring ng school supplies at iba pa, maaring makipagugnayan sa deped command center.
Tumawag lamang sa DepEd hotline number sa 636-16-63.
Maaari ring makipag-ugnayan sa txt Hotline sa 0919-4560027 o mag-email sa action@deped.gov.ph.
Katuwang ng DepEd sa oplan balik ekswela ang Department of Health, MMDA, Meralco, Maynilad, PAGASA at iba pang ahensya ng pamahalaan. (Joan Nano/UNTV News )