Iba’t-ibang aberya, naranasan sa barangay and SK elections kahapon

by Radyo La Verdad | May 15, 2018 (Tuesday) | 4851

Bago magsimula ang botohan, mahaba na ang pila sa Payatas-B Elementary School. Ang mga ito ay ang hindi mahanap ang kanilang pangalan at presinto sa kabila ng hindi naman daw sila pumapalya sa pagboto.

Samantala, sa Barangay Holy Spirit sa Quezon City naman hindi updated ang voters list dahil kahit matagal nang patay ay nasa listahan parin. Ilan sa mga presinto, nasa 30 hanggang 50 porsiyento lamang ang bumoto.

Sa Barangay San Bartolome sa Quezon City, bago pa mag alas-tres ng hapon ay wala na halos nakapila para bumoto. Maagang nag-umpisa ang bilangan sa barangay dahil kakaunti lamang ang bumoto.

Ilang problema rin ang naranasan ng mga botante sa mga lalawigan; gaya ng isang paaralan sa Pampanga na nagkagulo sa ilang presinto dahil hinahanapan ng identification card ang mga botante.

Ang problema, halos karamihan ng mga botante ay walang dalang ID. Sa huli ay pinayagan na ng supervisor ng eskwelahan na pabotohin ang mga residente kahit walang dalang mga ID.

May ilang residente naman Brgy. Capas sa Agoo La Union ang hindi lumabas ng bahay upang bumoto dahil sa takot sa nangyaring pamamaril sa kanilang barangay noong Sabado.

Nasawi sa insidente ang dating kongresista ng La Union na si Eufranio Eriguel

 

( Grace Casin / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,