Ibang paraan sa paggamit ng 13th month pay, ibinahagi ng isang financial adviser

by Radyo La Verdad | December 18, 2017 (Monday) | 3336

Ngayon ang buwan na kung saan marami sa mga Pilipino ang nakakatanggap ng kanilang mga 13th month pay, ito ay bukod pa sa sweldo na natatanggap sa buwan ng Disyembre.

Batay sa isang survey na isinagawa ng Bangko Sentral ng Pilipinas noong December 2016, mas maraming mga Pilipino ang gumagastos kaysa nag-iipon.

Subalit nabago ito sa pinakahuling survey na ginawa ng BSP noong Marso na kung saan, dumadami na umano ang bilang ng mga Pilipino na natututo ng mag-impok.

Ayon kay Riza Matibag Muyot na isang financial adviser, pinakamabuti ang mag-ipon, pwedeng ilagay muna sa bangko ang 13th month pay bilang savings, gawing pondo para sa emergency na pangangailangan o kaya’y pambayad sa ilang obligasyon.

Payo rin ni Ms. Riza, mabuti na gamitin ang 13th month pay bilang puhunan o investment sa isang negosyo  dahil minsan lamang sa isang taon matatanggap ang 13th month pay kung kaya’t mabuti na pag-isipang mabuti kung saan ito gagamitin.

 

( Mon Jocson / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,