Ibabalik na yaman ng pamilya Marcos, dapat maidetalye ayon sa ilang Senador

by Radyo La Verdad | August 31, 2017 (Thursday) | 2200

Nais ng nakararaming senador na pag-aralan munang mabuti ang planong pagsasauli ng pamilya Marcos ng ilang bahagi umano ng yaman ng mga ito sa pamahalaan. Anila, dapat muna itong linawin partikular na kung may mga kasunduang nakapaloob sa naturang hakbang ng mga Marcos.

Naniniwala rin ang Dept. of Justice na dapat pag-isipang mabuti ang alok na ito ng Marcoses. Ipinagtanggol naman ng Malakanyang ang naging pahayag ng Pangulo sa usaping ito.

Ito ay matapos sabihin ng campaign against the return of the Marcoses to Malacañang na nagmistulang tagapagsalita at negosyador ng mga Marcos si Pangulong Duterte.

Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, nais lamang ng Pangulo na maging transparent kaya inihayag ang naturang plano. Tiniyak din nitong sa huli ay kapakanan pa rin ng mga Pilipino ang nasa isip ng Pangulo at nais nito na ang sambayanan ang makikinabang kung mababawi ang yaman ng mga Marcos.

 

(Nel Maribojoc / UNTV Correspondent)

 

Tags: , ,