Iba pang mga probinsya sa North Luzon, ramdam na rin ang pananalasa ng Bagyong Ompong

by Radyo La Verdad | September 14, 2018 (Friday) | 4380

Mula pa kanina ay unti-unti nang nararanasan ang masamang lagay ng panahon sa ilang probinsya sa Northern Luzon.

Lumalakas na ang alon sa silangang bahagi ng basco batanes, maging ang malakas ngna ihip ng hangin na rin ang nararanasan ng mga residente.

Sa probinsya ng Abra at Aurora Province ay may mga pag-ulan na rin na nararasan at makukulimlim na lagay ng panahon.

Ang Laoag City River naman ay patuloy na tumataas ang level ng tubig. Sa Pagudpud Ilocos Norte, mapapansin na ang paglakas ng mga alon sa dagat.

Simula alas singko ng hapon ay nagpapatupad na ng forced evacuation sa mga naninirahan sa tabing dagat.

Tags: , ,