IATF-EID, inaprubahan na ang leisure travel sa NCR Plus

by Erika Endraca | June 2, 2021 (Wednesday) | 3801

METRO MANILA – Aprubado na ng Inter-Agency Task Force on the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang leisure travel para sa mga residente ng National Capital Region (NCR) Plus Bubble.

Nakasaad sa Resolution No. 118A, na papayagan ng IATF mula June 1-15 ang mga residente ng Metro Manila na makapagbiyahe sa mga lugar ng NCR Plus bubble na nakasailalaim sa Modified General Community Quarantine (MGCQ).

Isasailalim naman sa RT-PCR test ang mga indibidwal na below 18 at above 65 years old.

Nakasaad din sa resolusyon na papayagan lamang ang point-to-point travel at ipinagbabawal ang mga side trips papunta sa ibang tourist destinantion. Pinapayagan din ang mag-stopovers upang kumain at para sa personal na pangangailangan.

Ayon kay Department of Tourism (DOT) Secretary Berna Romulo-Puyat, malaking tulong ang pagpayag ng IATF sa leisure travel sa pagrekober ng mga lokal na turismo sa bansa.

“Allowing leisure travel for all ages from the NCR Plus Bubble to MGCQ Areas* will surely help local tourism back on track towards recovery,” ani Tourism Secretary Puyat.

Sakop ng NCR plus ang Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal.

(Kyle Nowel Ballad | La Verdad Correspondent)

Tags: ,