Hydrogen bomb test ng North Korea, isang malaking paglabag- EU

by Radyo La Verdad | January 7, 2016 (Thursday) | 1292
Brussels, Belgium(REUTERS)
Brussels, Belgium(REUTERS)

Tinawag na “grave violation” ng European Union ang ginawang hydrogen bomb test ng North Korea.

Ayon sa E-U, maituturing itong paglabag ng Nokor sa international obligation na hindi paggawa ng mga nuclear weapon.

Isa rin itong banta sa kapayapaan at seguridad sa buong Northeast Asia Region.

Kahapon ipinahayag ng North Korea na tagumpay ang kanilang isinagawang hydrogen bomb test.

Ito na ang ika-apat na nuclear test ng North Korea simula noong 2006, na isang paglabag sa sanction ng United Nations.

Tags: , , ,