Duterte, umapela sa mga magulang na huwag matakot sa bakuna

by Jeck Deocampo | January 30, 2019 (Wednesday) | 27471

METRO MANILA, Philippines – Umaapela si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak.

Sa ulat ng World Health Organization, nakapagtala ng mahigit 17,200 reported cases ng measles o tigdas sa Pilipinas mula Enero hanggang Nobyembre noong nakaraang taon. Mas mataas ito ng 367 porsyento kung ikukumpara sa naitalang kaso sa kaparehong buwan noong 2017.

Ayon sa Department of Health, 40 porsyento ang ibinababa ng bilang ng mga nagpabakuna noong 2018 para sa measles na ikinababahala ng pamahalaan.

“You’re gonna have outbreaks, sooner than later,” ani DOH Secretary Francisco Duque III.

Kaya nanawagan ang Punong Ehekutibo sa mga magulang na huwag matakot na pabakunahan ang kanilang mga anak.

“Do not be lulled and be complacent about it kasi ang sanggol talaga kailangan (‘yan). Iyong Dengvaxia lang kung ayaw ninyo, okay lang. But lahat ng anak ninyo hindi naman tayo nagkulang sa bakuna eh ‘di — because it is good and it is for the health of the person noong maliit pa hanggang lumaki,” ani Pangulong Duterte.

Ayon pa sa Presidente, dahil sa nangyaring kontrobersiya kaugnay ng bakuna kontra dengue o ang dengvaxia mess ay bumaba ang bilang ng mga magulang na pinapabakunahan ang kanilang mga anak. Hindi lamang sa measles kundi maging ang mga bakuna sa diphteria, tetanus, hepatitis at polio ay iniiwasan na rin.

(Aiko Miguel | UNTV News)

Tags: , , , , , , ,