Sinariwa ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno ang mga ala-ala ng kanyang kabataan bilang estudyante ng Quezon City High School. Isa siya sa mga suki noon ng pandesal sa kalapit na bakery sa Kamuning Road.
Sing halaga aniya ng tinapay ang hustisya para sa mahihirap na karaniwang nagkakasiya sa pandesal na isinasawsaw sa kape tuwing almusal. Sa karanasan umano niya, ang mahihirap ang mas tinatamaan ng inhustisya.
Gaya na lamang ng mga basta na lamang nadadampot at napagbibintangan maipakita lang ng mga otoridad na nilulutas nila ang krimen.
Kaya’t sa kabila ng mga pagkilos upang mapatalsik siya sa pwesto, tuloy lang ang pagsusulong niya ng mga reporma sa hudikatura.
Ayon sa kanyang abogado, nananatiling nakatuon ang pansin ni Sereno sa kanyang obligasyon bilang punong mahistrado sa kabila ng impeachment at pagbagsak ng ratings nito.
Bukas rin ang kampo ni Sereno na paharapin ito sa pagding ng kongreso sa kinakaharap nitong impeachment complaint.
( Roderic Mendoza / UNTV Correspondent )