Hurricane Irma ibinaba na sa category 2, malakas na hangin at ulan nananalasa na sa Tampa Bay Area

by Radyo La Verdad | September 11, 2017 (Monday) | 5469

Malakas na ulan at hangin ang naramdaman sa Florida sa Amerika kasunod ng pagtama ng Hurricane Irma. Malakas na hampas ng alon ang tumama sa seawall habang lubog sa baha ang maraming mga lugar. Bagama’t ibinaba na sa category 2 ang bagyo nananatiling mapanganib pa rin ito na magpatumba ng mga puno at powerlines. Nakakaranas na ng brownout sa maraming mga lugar sa Florida.

Nagbago naman ang direksyong tinatahak ni Irma na ngayon ay patungo sa area ng St. Petersburg at Tampa Florida ayon sa U.S. Weather Services.  Ang adjustment ng forecast ay nagbunsod ng biglaang mandatory evacuation sa syudad.  Ligtas naman sa mga evacuation centers ang mga lumikas na residente.

Ipinag-utos naman ni Georgia Governor Nathan Deal ang mandatory evacuation ng mahigit sa limang daang libong residente sa coastal area ng Estado, ngayong papaakyat na si hurricane Irma sa Georgia.

Nagpaabot naman ng mensahe para sa kanilang mga mahal sa buhay sa pamamagitan ng UNTV ang ilan nating kababayang naninirahan sa Carribean Islands na una ng tinamaan ni Irma.

 

(Ruth de Mesa / UNTV Correspondent)

 

 

 

Tags: , ,