Malaki ang posibilidad na maikonsidera ng plenaryo ng Kamara ang panukalang isama ang mga kaso ng human trafficking sa mga krimen na sasakupin ng isinusulong na death penalty bill.
Ayon kay ACT OFW Party-List Representative Anecito Bertiz, partikular na dapat mapabilang sa proposed bill ang mga probisyon na nasa ilalim ng Republic Act Number 10364 o ang Expanded Anti-Trafficking in Persons Act of 2012.
Lalo na dito ang mga kaso ng pagkuha sa mga kabataan o menor de edad na ginagawang sex slaves o kaya naman ay kinukuhanan ng mga body organ.
Sa kabila nito, sinabi ng mambabatas na kailangan pa ring maidetalye ang nilalaman ng panukala na target maisulong kapag naisalang na sa plenaryo ang Death Penalty Reimposition Bill.
(Nel Maribojoc / UNTV Correspondent)
Tags: Human trafficking cases, isusulong ng isang mambabatas na maisama sa mga probisyon ng death penalty