Naghahanda na ang Civil Society Groups sa Pilipinas sa isasagawang 2017 ASEAN Civil Society Conference sa Agosto.
Malaki ang kumpiyansa ng grupo na sa pagkakataong ito ay pakikingan na sila sa kanilang mga isinusulong dahil dito mismo sa Pilipinas ang venue ng okasyon bilang host country.
Ayon sa co-convenor ng ASEAN People’s Forum na si Dr. Eduardo Tadem, sa loob ng 11 taon ay bigo ang kanilang hanay na kumbinsihin ang pamunuan ng ASEAN.
Ilan sa mga isyung ilalatag ay tungkol sa human rights, labor migration, inequality and poverty, fair trade at marami pang iba.
Isa sa gustong mabago ng grupo ay ang namumuno sa asean human rights upang mas malaya silang makagalaw.
Isusulong din sa conference ang proteksyon para sa mga migrant workers sa ASEAN region.
Sa January 15 ngayong taon ay ipagdiriwang ang ika-50 founding anniversary ng ASEAN sa Davao City.
(Rey Pelayo / UNTV Correspondent)
Tags: Human rights at labor migration, ilan sa mga tatalakayin sa 2017 ASEAN Civil Society Conference
The Philippine Broadcast Hub
UNTV, 915 Barangay Philam, EDSA, Quezon City M.M. 1104
Radyo La Verdad © All Rights Reserved 2019
+632 8 442 6254 | Monday – Friday, 8AM – 5PM | info@radyolaverdad.com